Amang Banal

Sa bawat luha na mula sa'king mga mata,
Sa bawat paghikbi nitong pusong balisa;
Palagi Kang nakamasid at nag-aanyaya,
Dumito ka sa piling Ko't, ika'y mamahinga.

Sa bawat lungkot na aking nadarama,
Haplos sa puso ko ay ang Iyong Salita;
Amang Banal, salamat po;
Sa presensya Mo, ako'y sumisigla.

Amang Banal,
Luha ko'y pinapawi Mo nga o Dios;
Amang Banal,
Kagalakan ko sayo'y lubus-lubos;
Amang Banal,
Ang pagyakap Mo'y aking nadarama;
Amang Banal,
Langit nga sa twing sayo'y sumasamba.

Home


Next song