Ang Lumang Krus

Sa malayong pook,
sa taas ng bundok,
Naroon ang isang lumang krus,
Na pinagpakuan kay Hesus na banal,
Sa sala ng tao'y tumubos.

Kung kaya't aking iniaalay,
Ang lahat sa lumang krus na'yan,
Handog ko'y papuri't pagsamba,
Dahil sa hirap niyang dinanas.

Krus na'yan ay tigmak,
Nang dugo at luha ni Hesus na lubhang dakila,
Nagtiis ng hirap, namatay ng kusa,
Nang ang sala nati'y mawala,

Nananalig ako balang araw,
Na ako'y kanyang samahan,
Sa langit ng ligaya at buhay,
Tahanan ng tapat at banal.

Home