Buhay Kristiyano

O kayligaya pala ang buhay Kristiyano;
Lalo't kung tayo'y sa Diyos ay nagmamahal
Pagpapala Niya, patnubay Niya ay sasa'yo
Magtiwala ka sa Ngalan Niya

'Pagkat Siya'y'di nagbabago
Siya'y kahapon, ngayon at kailanman
'Pagkat Siya'y'di nagbabago
Siya'y kahapon, ngayon at kailanman

O kaysarap palang magbigay sa Panginoon
Lalo't kung sa Diyos ay nagtatapat
Pagpapala Niya, patnubay Niya ay sasa'yo
Magtiwala ka sa Ngalan Niya

O kaybilis namang lumipas ng panahon.
Parang kailan lang ng tayo ay pinag-isa.
Ngunit sa biyaya't patnubay Nyang sumaatin.
Pinatunayan ng Diyos na Sya'y tapat pa rin.

O kayrami ng pagsubok na dumating.
Ngunit nalampasan dahil sa pag ibig Nya.
Mga pangako na pinatunayan Nya sa atin.
Salamat po Panginoon sa pagibig mo sa'min.

Home