Buti nalang

Saan ba pupuntam, saan makakakita
ng sayang hindi panandalian lang
inikot ang mundo
at walang nasumpungan
sinubok yan at ito
lahat ay pare-pareho

nag simula, natapos din
di nabago ang damdamin
di napawi ang lungkot
pati na ang suliranin
inubos ang lakas
pati na lahat ng oras
sa pag hahabol sa panagarap
mong may dalang magandang bukas
pinilit ang gusto at maramimg kompromiso
tila nakalimutan na ang pinanggalingan ko
puso'y pagod, hindi kuntento
mayro'n bang napatunayan
naiwang bigo't lito at puno ng kapaitan

Buti nalang natagpuan(naramdaman)
ang Tubig na nagbibigay ng ligayang
buo't pang habang buhay sa Kanya lang
naramdaman (natagpuan) ang pahingang
dulot ng kapayapaang tunay buti nalang

Ngayong alam ko na ang biyayang dulot Nya
di na paaalipin pa sa mundong mandaraya
pagka't nangako Siyang mayroong kapahingahan
sa lahat ng magsusuko ng problema't kabigatan
si Hesus lang ang paraan kumapit ka lang kaibigan
di Nya iiwan kaylanman di ka nya
pababayaan

Home


Next song