For you alone

Salamat Ama naghari ka
Sa puso koy lumukob ka
Nagbigay ng awit at puno ng pagsamba
Mga mata'y lumuha sa labis na pagsinta
Pupurihin ka oh dakila
Ikaw lamang Ama

Oh Hesus Kristo sa krus ng kalbaryo
Katubusa'y aking natamo
Salamat po Ama sa pagibig mo
Minahal mo ang isang tulad ko
Oh sambahin ka ikaw lang Ama
Narapat lang na pag-alayan ng pagsamba
Sa puso ko'y manahan ka
(Sa puso ko'y manatili ka)

Sa bawat Pangakong iyong binigay
Pananampalatayang tunay
Ang handog sa puso ko'y ligaya ngay tunay
Tanging hangarin ng puso
Ang manatili sa Presensya mo
At siyasatin ang kalooban mo
Sa bawat sandali ng buhay ko

Home


Next song