Huwag Mo Sanang Isipin

Huwag mo sanang isipin
Di kita natatanaw
Huwag mo sanang isipin
Iniwanan na kita
Lagi kang nakikita sa paglipas ng araw
At aking nalalaman ang Yong pagdurusa

Huwag mo sanang isipin
Di kita natatanaw
Huwag mo sanang isipin
Iniwanan na kita
Di mo ba nalalaman na kita’y iniibig
Bawat patak ng Yong luha
Ay aking nababatid

Huwag mo sanang isipin
Nalimutan na kita
Dahil ang yong pangalan
Sa palad Ko’y sinulat na
At kung Ako’y kailangan
Kung Ako’y hinahanap
Tumawag ka’t manalangin
At Ako’y mangungusap

Home


Next song