Iisa

Tingnan mo nga naman
Tingnan mo ngang buhay
Dati ika'y tinatanaw ko lang
Sa ating mga sulyapan
Nagbunga'ng pag iibigan
Pag ibig na nagmula sa Maykapal

Kaya nga nman ako
Lubos ang tiwala sayo
Nadaramang lagi tamis ng pag ibig mo
Kahit anumang lakas ng bagyong natatanaw
kapit kamay tayo-- ikaw at ako

Ikaw at ako sa landas ng katwiran mananangan
Panginoon matibay nating sandigan
Sukdulan mang maharap tayo sa kahrapan
Ang Diyos ang nagbabantay ng ating sinimulan

Tingan mo nga naman
Tingnan mo nga'ng buhay
Ngayon ikay kapiling ko na
Ang dating pangarap lang
Mayron ngkaganapan
Ngayon sa araw ng ating kasal

Bridge:
Patutunayan natin sa buong mundo
Ang pinagbuklod ng Maykapal
Mananatili magpakailanman
Hindi alintana ang sasabihin pa ng iba
Pagkat ikaw at ako, ako at ikaw
ay iisa

Ending:
Tingnan mo nga naman
Tingnan mo ngang buhay
Ngayon ikaw at ako ay iisa
Ngayon ikaw at ako. . ay iisa

Home


Next song