Ikaw Ang Tanging Nais Ko

Ikaw ang tanging nais ko
Ang palaging sumaiyong Presensiya
Sakupin Mo ang isipan ko
Sa bawat araw ay maging tulad Mo

Sayo ang buong puso
at aking espiritu
Sinusuko lahat Sayo, Hesus
Lahat ng tinataglay
Ito'y tanging sa biyaya Mo
Aking hangad maghari Ka Hesus.

Tanging laman ng puso ko
Ang masunod ang Iyong layunin
at mahanda sa Iyong pagdating
O ang pangarap ko
ay makapiling Ka

Sayo ang buong puso,
at aking espiritu
Sinusuko lahat Sayo, Hesus
Lahat ng tinataglay
Ito'y tanging sa biyaya Mo
Aking hangad maghari ka Hesus.

Aking hangad maghari ka Hesus.

Home