Ikaw Lamang/Di Ako Magsasawang Purihin Ka (Medley)

Kayraming humahadlang na Ika'y papurihan
Mga pagsubok, bawat kabiguan
Ngunit sa biyaya Mo na sapat kailan pa man
Marapat lang na Ika'y papurihan

Kaya't Ikaw lang O' Diyos
Ang pupurihin ng tinig ko
Ikaw lang O' Diyos
Ang iibigin ng puso ko
Ikaw lang O' Diyos
Ang mahayag sa buhay ko
Ikaw lang O' Diyos, tanging Ikaw lang

Sa umaga pagka gising
Ngalan Mo'y pupurihin
Puso ko'y laging may awit para Sa'yo

Laging kong nararanasan katapatan
Mong walang hanggan
Pag-ibig Mo'y laging sariwa sa araw araw

Di ako magsasawang purihin Ka
Buong puso't lakas minamahal kita
Laging aaawitin pagibig Mo sakin
Panginoong Hesus purihin Ka

Home


Next song