Ikaw Pala

Kay tagal na rin naghahangad
Pagmamahal na sadyang wagas
Isang paglingap na mabibigay
Sa aking buhay ng tibay at lakas

Sa dinami ng daang tinahak
Tanging sayo pala ang kasagutan
Panginoong mahal
Ikaw palang may hawak
Susi sa ligayang magpakailanman

Ikaw pala'ng nagbibigay
liwanag at pag-asa
Tila isang ngiti
na sa aki'y nagniningning
Ikaw pala ang kailangan,
Tugon sa aking dasal
Gabay at pagmamahal
na walang hanggan.

Kay gaan ng puso at damdamin
Ngayong Ika'y nasa aking buhay
Anong pagsubok man
Ika'y nakaalalay
Kaibigan kang hindi malilimutan

Gaano man kadalas
kitang talikuran at saktan
pagpapatawad ay agad
lagi Mong laan kailan paman
Ikaw parin,
handa akong tanggapin….
(tanggapin, kailanman ay
handa akong tanggapin. .)

Home


Next song