Ikaw Pala Panginoon

Minsa'y wari ko ba'y wala ng pag-asa
Walang katapusan ating pagdurusa
Patuloy kong hinahanap ang kalutasan
Bakit kaya di ko matagpuan
Sino ba ang aking kailangan

Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon
Tanging kasagutan sa'king mga tanong
Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon
Ang hanap kong ligaya
Ang hanap kong pag-asa
Bakit pa nga ba ako mangangamba

Tanaw ko ang lungkot sa tuwing nag-iisa
Tila wala sa aking nagmamahal
Ang puso ko'y may takot at pangamba
Makakamtan pa ba ang ligaya
Sino ba ang tanging pag-asa

Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon
Tanging kasagutan sa'king mga tanong
Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon
Ang hanap kong ligaya
Ang hanap kong pag-asa
Bakit pa nga ba ako mangangamba
Ikaw pala

Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon
Tanging kasagutan sa'king mga tanong
Ikaw pala, Ikaw pala aking Panginoon
Ang hanap kong ligaya
Ang hanap kong pag-asa
Ngayo'y batid ko na
Ikaw pala

Home