Mahal Mo Ako

Magmula pa noon hanggang ngayon
At sa darating pang panahon
Ikaw parin ang siyang kailangan ko
Sa bawat sandali parin pagmamahal mo
Ang nadarama ko Umulan umaraw man o bumagyo
Ikaw parin ang siyang kasama ko
Sa bawat sandali ay di man lang iniwan mo

Hindi lang mahal
Kundi mahal na mahal Mo ako
Nasasaktan ko man ang damdamin Mo
Ang nasa puso pa rin ay ako
Hindi lang basta mahal
Kundi mahal, mahal na mahal Mo ako.

Mag mula pa noon hanggang ngayon
Ika'y laging tapat Panginoon
Sa tuwinay siyang maaasahan ko
Sa bawat sandali parin di ka nagbago
Ang pagmamahal mo
Umulan umaraw man o bumagyo
Sa tuwina ay aking nadarama
Sa bawat sandals ay di man lang naglaho

Home


Next song