Pag-ibig mong tapat / Di Lang Mahal

Sa dinami-rami ng tao dito sa mundo
Bakit ba ako ang pinili mo?
Ano ba ang nasumpungan
Sa tulad kong puno ng kamalian?
Hindi ko maunawaan

Magmula pa noon hanggang ngayon
At sa darating pang panahon
Ikaw pa rin ang Siyang kasama ko
Sa bawat sandali pa rin pagmamahal Mo

Ang Nadarama ko
Umulan, umaraw man o bumagyo
Ikaw pa rin ang Siyang kasama ko
Sa bawat sandali hindi man lang
Iniwan Mo

Pagka't ang nais ko'y
Di ayon sa nais mo
Salungat sa lahat
Ng nais mo sa buhay ko

Anong tamis,
Wagas dakila at tapat
Ang pag-ibig Mong
Lahat lahat sakin ay tinanggap
Anong tamis,
Dakila at wagas
Ang pag-ibig mong tapat

Sinong mas dadakila pa
Sa pag-ibig Mo aking Ama
Na kayang umunawa
Sa'king pagkakasala
Paulit-ulit nadarapa
Mga salang sinasadya
Aking nagagawa nasasaktan Kita

Pagka't ang nais ko'y
Di ayon sa nais mo
Salungat sa lahat
Ng nais Mo sa buhay ko

Di lang mahal kundi mahal na mahal
Mo ako
Nasasaktan ko man ang damdamin Mo
Ang nasa puso pa rin ay ako
Hindi lang basta mahal
Kundi mahal, mahal na mahal Mo ako.

Home


Next song