Si Hesus Ang Bahala

O kay hirap hirap na ng buhay ngayon
Halos di mo mairaos buong maghapon
At sa dami ng problema ay di na makaahon

Kung minsan ay para nga bang susuko na
Ang pagod na katawan ay tila bibigay na
Isip at damdamin ay puno ng pangamba

Kung talagang walang wala na
Sa'n pa nga ba pupunta?
Kung talagang hindi na kaya
May makakatulong ba?
Kung ubos na ang'yong pag-asa
Ay huwag na huwag mag-alala
Pagkat nariyan Siya
Huwag kang bibitaw
Huwag kang aayaw
Si Hesus ang bahala

Kailanman ay di ka pababayaan
Pagkat siya lamang ang tanging maasahan
Si Hesus na ang bahala sa'yong pangangailangan

Tanging pag-asa
Huwag nang mag-alala

Huwag kang bibitaw
Huwag kang aayaw
Huwag kang bibitaw (Kay Hesus)
Si Hesus ang bahala

Home