Tanging Ikaw

Sa tuwing ako'y pagal sa pagtakbo
Sa tuwing walang lakas at nanlulumo
Ako ay lalapit sa pinagmumulan ng Kapahingahan ko
Upang maibsan pagod na aking nararamdaman

Tanging Ikaw Hesus ang Kalakasan ko
Tanging Ikaw Hesus ang Kapahingahan ko
Ikaw lamang pinagmumulan lahat ng kailangan ko
Tanging Ikaw Hesus ang maasahan ko.

Sa tuwing ako ay nangangailangan
Sa tuwing nag-iisat walang malapitan
Ako ay lalapit sa nagbibigay ng mga kailangan ko
Upang maibsan bigat na aking nararamdaman

Sa tuwing ako ay nasasaktan
At damdamin ay nahihirapan
Ako ay lalapit sa pinagmumulan ng kapayapaan ko
Upang maibsan sakit na aking nararamdaman

Tanging Ikaw Hesus ang kalakasan ko, kapahingahan ko
sa tuwing akoy pagal at gulong-gulo
Ikaw lamang pinagmumulan lahat ng kailangan ko
Tanging Ikaw Hesus ang maasahan ko.
Tanging ikaw hesus ang lahat sa buhay ko

Home





Next song