Ulan

Ang puso ko'y panatag sa buhos ng ulan
Hindi nababagabag dahil Ika'y nandyan
Sa init ng pag-ibig Mo ako'y mananahan
Hanggang matapos ang ulan

Pagsubok at pagluha'y katulad ng bagyo
Hindi nababahala, Kita'y kapiling ko
Payong Kitang masusukuban magpakailanman
Hanggang matapos ang ulan

O Panginoon, ako'y iningatan Mo
Kahapon at ngayon, hindi nagbabago
Ang pag-ibig Mo
Hanggang matapos ang ulan

Home