Wala Kang Katulad

Awitin ko man
Lahat ng awit sa mundo
Di kayang ilarawan
Ang kadakilaan Mo,
Kulang ang lahat ng tula
Kulang maging mga salita,
Upang ihayag ang kabutihan Mo.

Wala Kang katulad,
Wala nang hihigit Sa'yo;
Wala Kang katulad,
Wala nang papantay Sa'yo;
Ikaw ang Diyos, noon pa man,
Maging ngayon at kailan man,
Sa habang panahon,
Wala Kang katulad.

Ialay ko man lahat ng yamang taglay ko
Ang bawat pangarap,
Buong lakas at buhay ko;
Walang sa'yo'y makahihigit
Pag-ibig Mo'y walang kapalit
Bugtong na Anak, sa'ki'y di pinagkait.

Wala Kang katulad,
Wala nang hihigit Sa'yo;
Wala Kang katulad,
Wala nang papantay Sa'yo;
Ikaw ang Diyos, noon pa man,
Maging ngayon at kailan man,
Sa habang panahon,
Wala Kang katulad.

Sa piling mo may buhay
Sa piling mo may sigla
puso koy lumalakas kapag kapiling ka
o dios ako'y iyong iyo
puso ko'y baguhin mo
pagkat akoy uhaw sa piling mo.

Home


Next song