Magpakailanman

Pangarap ko ang makasama Ka
Pagkat sa piling Mo may ligaya
Kasiyahan aking nadarama
Sa tuwing umaawit ng pagsamba

Ang puso ko'y, nagagalak Sa'yo
Nananabik na makasama Mo
Kahit kailan, 'di Ka nagkulang
Pag-ibig Mo saki'y walang hanggan

Kay buti Mo, sa buhay ko
Kay buti Mo, Hesus kay buti Mo
Kay buti Mo, sa buhay ko
Kay buti Mo, Hesus kay buti Mo
Sa buhay ko'di Ka nagkulang
Pangangailangan ko'y Iyong alam
Kaya't pasasalamat ko Sa'yo, magpakailanman

Home


Next song