Manalig Ka

Ikaw ba ay nanghihina?
Kagalakan mo ba ay nawawala?
Nahihiya ka bang tawagin ang Ngalan nya?
Pakiramdam mo ba lahat ay baliwala?

Kapatid, manalig ka
Damhin mo ang Presensiya Nya
Huwag mong isiping mahina ka
Isuko mo ang lahat Sakanya

Kahit ano pa ang iyong kahinaan
Ano man ang maling iyong nakasanayan
Alalahanin mong hindi ka Nya pababayaan
Magtiwala kang, ika'y lagi Nyang gagabayan

Kapatid, manalig ka
Damhin mo ang Presensiya Nya
Huwag mong isiping mahina ka
Isuko mo ang lahat Sakanya

Makakamit mo ang katotohanan
At ang nawala
mong kagalakan
Kapatid, di mo mapapansin ito'y babalik nalang
Kailangan mo lang tumayo at manindigan

Kapatid, manalig ka
Damhin mo ang Presensiya Nya
Huwag mong isiping mahina ka
Isuko mo ang lahat Sakanya

Ang salita Nya'y dapat mong tayuan
Ika'y mamuhay na nagpapasakop Sakanya
Dahil ibang-iba, sobrang saya
Damang-dama sa buhay mo ang biyaya Nya

Kapatid, manalig ka
Damhin mo ang Presensiya Nya
Huwag mong isiping mahina ka
Isuko mo ang lahat Sakanya

Kahit tingin mo'y hindi ka karapat-dapat
Dahil landas mo'y kung saan na napadpad
Ika'y iniibig pa din Nyang tapat
Nanatili ang Kanyang habag

Kapatid, manalig ka
Damhin mo ang Presensiya Nya
Huwag mong isiping mahina ka
Isuko mo ang lahat Sakanya

May mga panahon na hindi mo maipakita
Na sa buhay mo, ay kailangan Sya
Hayaan ang pagsubok, inaantay ka nyang dumulog
Hindi Nya hahayaang, ikaw ay malugmok

Home


Next song