Binuksan Mo

Ang paglalakbay sa mundong ito
Ay paglalakbay na di alam ang tungo
Walang pastol na gagabay sa'yo
sapagkat ikaw ay bulag pa'yan ang totoo

Ngunit ngayo'y binuksan Mo na
Mga mata'y sa mundo nakapako
Sa turo Mo'y naayos ang landas ko
Salamat O Diyos, Ikaw ang sandigan ko

Pag ibig Mo'y tumatakip sa kahinaan ko
Hindi ako nararapat sa Buhay Mo
'Di Mo tiningnan ang mga kakulangan ko
Bagkus ay pinunan Mo lahat ng ito

Ngunit ngayo'y binuksan Mo na
Mga mata'y sa mundo nakapako
Sa turo Mo'y naayos ang landas ko
Salamat O Diyos, Ikaw ang sandigan ko

Maraming mang hadlang sa buhay kong ito
Ngunit alam ko na ako'y na Sayo
Pagsubok ay tila ba ako'y nilalayo
Subalit salamat Ama,
Ika'y nasa akin alam ko walang makakatalo

Ngunit ngayo'y binuksan Mo na
Mga mata'y sa mundo nakapako
Sa turo Mo'y naayos ang landas ko
Salamat O Diyos, Ikaw ang sandigan ko

Hindi mawari ang patutunguhan
Kung wala Ka para ako ay gabayan
Ang tinahak na daan, lumiliko kung saan
Ngunit Ika'y nandiyan parin at di ako iniwan

At ngayo'y binuksan Mo
Mga mata'y sa mundo'y nakapako
Sa turo Mo'y naayos ang landas ko
Salamat O Diyos, Ikaw ang sandigan ko

Home


Next song