Puso ko'y iyong sinisiyasat

Puso ko’y iyong sinisiyasat
Buhay ko’y iyong alam
Ang lahat kong lihim O Yahweh
Ay tiyak mo ngang nalalaman

Ang lahat ng aking ginagawa
Sa ‘yo ay hindi lingid
Ang lahat kong lihim O Yahweh
Ay tiyak mo ngang nababatid

Salamat Panginoon kilala mo ako
Ang lahat ng bagay ay di lingid sa ‘yo
Salamat Panginoon tinutuwid mo ako
Ikaw lang ang may alam
Ng aking patutunguhan
Salamat sa ‘yo Panginoon

Home


Next song