Labis na galak

Mga labi ko O, Dios sa'yo aawit
Ika'y papurihan sa kalangitan
Aking kamay itataas ka
Pangalan mo'y luwalhatiin
Pagkat ikaw O, Dios ay dakila

Napakasayang magbigay papuri
Labis na galak nararamdaman
Pupurihin ka sa bawat tugtugan
Pupurihin ka sa bawat galaw
Itataas ang ngalan mo magpakailanman

Sa taglay mong lakas O, Dios purihin ka
Isisigaw sa buong mundo labis mong gawa
Puso ko ay tuwang-tuwa
Kasiyahan ay umaapaw
Katapatan mo O, Dios ay dakila.

Home


Next song