Sa Presensya Mo

Sa presensya Mo Panginoon ako'y mahihimlay
Dahil Sa'yo nasumpungan kapayapaan
Sa presensya Mo Panginoon ako'y mananahan
Sa piling Mo Hesus may kagalakan (2x)

Karapat-dapat Kang papurihan
Karapat-dapat Kang pasalamatan
Tanging hangad ko ay Iyong kabanalan
Sa presensya Mo ako'y di na lilisan

Karapat-dapat Kang papurihan
Karapat-dapat Kang pasalamatan
Tanging hangad ko ay Iyong kabanalan
Sa piling Mo ay may kagalakan

Sa presensya Mo ako'y magdiriwang
Dinadakila ang Iyong pangalan
Hesus sa presensya Mo ay may kalayaan
Sa piling Mo ay may kaganapan
Sa piling Mo ay may kagalakan
Sa piling Mo ay may kagalakan

Home