Daan at Katotohanan

Sa gitna ng dilim ako'y naglalakbay
Hindi alam kung saan ang patutunguhan
Ngunit salamat ako'y natagpuan
Iniligtas sa tiyak na kapahamakan

Siya ang daan
Siya ang buhay
At Siya ang katotohanan
Ang pangalan Niyang banal ay walang makakapantay
Siya ay si Hesus, si Hesus ang mahal nating Diyos

Wala na akong dapat ipangamba
Sapagkat si Hesus lagi kong kasama
Anuman ang maging hantungan nitong buhay
Sa Kaniya ko ipapaubaya ang lahat

Home