Tayo'y Pinagpala

Isulat ko man Kaniyang katangian,
Biyaya't pagibig na naranasan
Hindi matatapos, di matatawaran
Kaniyang kabutihan sa Sanlibutan
Tayo'y pinagpala

Sa bagyong nagdaan o sa darating man
Hindi iniiwan, di pinababayaan
Siya'y may laan sa'ting mga kailangan
Hindi Siya nagkulang magpakailan pa man
Tayo'y pinagpala

Tayo'y pinagpala walang pagdududa
Ang Diyos ay mabuti sa bawat isa
Hindi mabibilang Kaniyang kabutihan
Kakayahan lamang Siya'y pasalamatan
Siya ay mabuti, walang kasing buti
Tayo'y pinagpala

Siya ang manggagamot sa'ting karamdaman
Siya ang liwanag sa kadiliman
Siya ang kagalakan sa'ting kalungkutan
Siya ang lahat na ating kailangan
Tayo'y pinagpala

Siya ang Panginoon na ating Sandigan
Siya ang Diyos na makapangyarihan
Siya na may-ari ng buong Sanlibutan
Siya rin si Hesus na ating kaibigan
Tayo'y pinagpala

Tayo ay magpuri sa Diyos na mabuti
Tayo'y Pinagpala

Home