Siyang Iyong Sandigan

Dakila ang pag-ibig ng Diyos
Makasalan'ay kanyang tinubos
Dakilang pag-ibig
Di lubos maunawaan

Pag-ibig Niya’y
Walang hanggan
Di magbabago
Tapat siyang nagmamahal

Siyang ‘yong sandigan paniwalaan
Tapat Siyang nagmamahal
Siyang ‘yong sandigan paniwalaan
Tapat Siyang nagmamahal

Ang buhay ma’y kahirapan man
Ang bukas ma’y walang katiyakan
Subalit sa hirap o kaya’y ginhawa

Laging maaasahan Siya
Di magbabago
Tapat siyang nagmamahal

Bukas ngayon at mag pakailanman
Manalig ka di Ka Niya iiwan
Siyang 'yong sandigan paniwalaan
Tapat Siyang nagmamahal

Tapat Siyang nagmamahal

Home