Walang Humpay ang aking Pagluha
Sa bawat panalangin ng aking diwa,
Sa bawat luha’t daing ng puso,
Lahat ng patak Sainyong talaan,
Haplos Nyo’y dumadampi sa pusong luhaan.
Walang lihim na ’di Nyo alam,
Walang sakit na ’di Nyo damdam.
Walang humpay ang aking pagluha,
Hanggang ang luha ko’y marinig.
Bawat daing ko Sainyo'y napapansin,
Sainyong pangako, Hesus,
tugon Nyo’y darating.
Kapag gabi’y tila walang wakas,
Yakap Nyo ang aking lakas.
Sa bawat daing ng pusong sugatan,
Pag-ibig Nyo ang aking lunas.
Walang lihim na ’di Nyo alam,
Walang sakit na ’di Nyo damdam.
Walang humpay ang aking pagluha,
Hanggang ang luha ko’y marinig.
Bawat daing ko Sainyo'y napapansin,
Sainyong pangako, Hesus,
tugon Nyo’y darating.
Hindi sayang ang pagluha,
Dahil Sainyo may pag-asa.
Kahit di ko pa marinig ang sagot,
Tiwala ko’y Sainyo, Hesus.
Walang humpay ang aking pagluha,
Hanggang ang luha ko’y marinig.
Bawat daing ko Sainyo'y napapansin,
Sainyong pangako, Hesus,
tugon Nyo’y darating.
Walang humpay, Hesus, tugon Nyo’y darating!
Home