Natagpuan
Ang tinig Mo ay aking hanap-hanap
Sa gitna ng bawat takot at paghihirap
Sa kabila ng aking pagkukulang
Katapatan Mo O Diyos tanging laan
Sa puso at damdamin, Ika'y mananatili
Walang hanggan ang alay Mong pag-ibig
Natagpuan ang Iyong pag-ibig na dakila
Doon sa krus, ako'y Iyong pinalaya
Hesus, ako'y aaawit ng
Walang hanggang pagpupuri
Ang puso ko'y Sa'yo iaalay
Panginoon, Ikaw ang kaagapay
Kabutihan Mo saki'y di nagkukulang
Panginoon, Ikaw lang ang kailangan
Magpakailanman Sa'yo ako'y mananahan
Hangad ko lang ay mamalagi sa Presensya Mo
Natagpuan, Ako'y binago ng pag-ibig Mo
Hangad ko lang ay mamalagi sa presensya Mo
Luwalhatiin ang Pangalan Mo
Home