Kung Tutuusin
Maraming panahon na tayo'y nagkamali
Sa pagpasya sa bagay na dapat gawin
Hindi lang pinansin ang mga kamalian
Kung ito'y karapat-dapat bang gawin
Natutong tumayo sa sariling paraan
Ngunit pawang kabiguan lamang ang iyong nakamtan
Malayo kay Hesus na Siyang tanging daan
Na Siya ring magdudulot buhay na walang hanggan
Kung tutuusin hindi ikaw ang may-ari ng iyong buhay
Kung tutuusin hindi ikaw ang magpapasya kundi Siya
Para sa iyo
Makipot ang daan at mabigat ang pasanin
Ngunit Siya'y kagabay mo sa iyong paglalakbay
Di ka mabibigo kaya't manalig ka
Siya ay naghihintay tumawag ka lang sa Kaniya
Lumapit kay Hesus na Siyang tanging daan
Upang makamtan mo biyaya magpakailanman
Kaya nama'y pakinggan mo Siya aking kaibigan
Panginoon ng buhay mo
Diyos ng puso mo...
Home