Isang Pag-ibig

Ang pag-ibig ng Diyos sa'tin ay di nagmamaliw
Di nagbabago, tapat, wagas, at totoo
Ang pag-ibig Niyang dalisay, sa akin at sa'yo
Atin nang ibahagi ang pag-ibig ni Kristo

Isang pag-ibig na magbubuklod sa atin
Magbibigay liwanag sa mga naninimdim
Atin nang abutin at isabog sa dilim
Dinggin ang pag-ibig ng Diyos
Pag-ibig Niya sa'tin

Ang pag-ibig ng Diyos sa'tin ay di nagmamaliw
Di maglilikat, sapat, ang pag-ibig niya sa lahat
Ang pag-ibig Niyang dalisay, sa akin at sa'yo
Atin nang ibahagi, ipamalita sa mundo

Sa batang katulad ko,
Maging kahit kanino
Napakadakilang pag-ibig,
Pag-ibig na totoo
Totoo...

Home