Pagsinta

Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos
Sa sanlibutan at sa lahat ng tao sa mundo
Sapagkat gayon na lamang pag-ibig Niyang wagas
Na Kanyang ibinigay Bugtong Niyang Anak

Upang sinomang sumampalataya
ay maligtas
Hindi Niya nais mapahamak sinoman
Si Hesus ay namatay upang tayo
ay mabuhay
Nang walang hanggan

Wala nang hihigit pa sa tunay na pagsinta
Batis ng pag-ibig ang inialay Niya
Buksan Mo ang pintuan at Siya’y Iyong anyayahan siya’y mananahan

Ang Iyong pagtitiwala
Ibigay mo ng lubos
At ‘di ka mabibigo manalig ka lamang
Ang lahat ng bagay sa langit
At lupa’y lilipas ngunit ang Kanyang pangako ay tapat kailanpaman

Buksan Mo ang pintuan
At Siya’y Iyong anyayahan
Sa iyong puso Siya ay mananahan
Si Hesus ay nabuhay upang tayo’y lumigaya at mag tagumpay

Wala ng hihigit pa sa tunay
Na pag sinta
Batis ng pag-ibig ang inialay niya
Buksan mo ang pintuan at siya’y iyong anyayahan
Siya’y mananahan
Mag pakailanman
Mag pakailanman

Home