Silip Sa Langit

Sa Langit walang lumpo
Doon walang nakakalbo
Mga ngipin ay kumpleto
Goodbye na sa pustiso

Sa Langit walang bulag
Walang matang nanlalabo
Mga pipi't, mga bingi
Lahat ay gagaling kay Kristo

Walang pulubi sa Langit
Doon wala ng magkakasakit
Wala na ring magugutom
Lahat tayo'y titira sa Mansion

Wala ng graft and corruption
Wala na rin ang polusyon
Doon walang libingan
Buhay ay walang hanggan

Sa Langit wala ng krimen
Goodbye na sa kidnapping
Wala na ring mga sugal
Goodbye na pati sa jueteng

Sa Langit walang brown out
Walang baha, wala na ang lahar
Ginintuan na lansangan
Doon tayo mamamasyal

Walang Hospital sa Langit
Kasi wala ng magkakasakit
Wala na ring magugutom
Lahat tayo'y titira sa Mansion

Doon walang nagagalit
Doon wala ng masungit
Doon walang naiinggit
Punong-puno doon ng pag-ibig

In Heaven there is no fear
The Prince of peace is there
Kung nais mo sa Langit
Kay Hesus ka kumapit

Home





Next song