Sa'yong Yakap
Ano nga bang nakita Mo
Nasa akin ay ninais Mo
Di ko inakalang ako ang pinili Mo
Kahit sa madilim kong daan
Tinawag Mo aking pangalan
Inangkin ang kasalanan ko
Kahit di kailangan
Sa'yong yakap ako'y di na bibitaw
Sa'yong tawag laman ng puso ko'y Ikaw
Ginawa Mo ang lahat kahit di man ako tapat
Pag-ibig Mo sa akin ay sapat
Ika'y paglilingkuran
'Di Mo ako iniwan
Kahit ako ay hindi karapat-dapat
Pag-ibig Mo ay tunay
Ika'y walang kapantay
Salamat o Hesus
Tinapos Mo'ng lahat (2x)
Walang hangganan, walang hangganan
Ngayon, bukas at magpakailanman
Aking kasalanan tinapos at binayaran
Pinakita Mo ang iyong kakayahan
Home