Ba't Di Mo Subukan

Bakit kailangan kita
Bakit dapat kang makita
Bakit nakilala ka
Bakit dumating ka sa buhay ko

Sa 'Yong pinagmulan ligaya'y di nakamtan
Ngayon sa labi'y may ngiti
Kahit ilang araw lamang sa 'yo'y naipadama Siya ang sa'yo ay may lalang

Ba't di mo subukan damhin ang ligayang aking naranasan
O kay sarap
Hanapin sa kung saan
Naliligaw na sino pa man
At ipahayag ang iyong natagpuan

Bawat minuto'y nasa 'yo
Bawat segundo ay hawak Mo
Anuman ang iniisip mo
Sa Diyos ipagkatiwala mo

Kaya't linisin ang bawat hangarin
Isipin na ang dapat gawin
Ikaw ay nagkulang man Diyos ay tawagin lang
At Siya'y iyong pakinggan

Home