Bata mang paslit sa Diyos ako'y maglilingkod
ang purihin Siya sa awit ay aking ikalulugod
Habang bata pa'y gagamitin ang lakas
Pangalan ni Hesus aking itataas
Munti kong tinig sa Diyos aking iaalay
Maliliit kong kamay ay aking ikakaway
Sa'ting Panginoon, satin ay naglalang
Pupurihin ko Siya, kahit ako ay bata pa
Sa pagdating ng araw at ako'y malaki na
Salita ng Diyos ay tataglayin ko twina
Mga pangako ni Hesus ay babaunin ko
Hanggang sa pagtanda sa puso'y di mawawala