Dito Sa Aking Puso

Dito Sa Aking Puso

O Panginoon salamat sa pagpili mo
Sa pagtawag mo bilang anak sa isang katulad ko
Salamat sa dakilang bagay
Sa pag-ibig mong tunay
Sa tagumpay at sa kabiguan
na naghubog ng lubos saking buhay

Ikay naghahatid sakin ng pagasa
lilingunin ka sa tuwina
saang mang dako mapunta
mamalagi ako sa piling mo
mananatili ang pasasalamat sayo
dito saking puso

Panginoon akoy mangha sa kabutihan mo
di man naging tapat sayo inibig parin ako
salamat sa lahat ng bagay
sa biyaya at patnubay
sa lahat ng oras na ikaw ay aking naging karamay sa buhay

Ikay naghahatid sakin ng pagasa
Baon ang iyong salita
saan ma'ng da'ko mapunta
mamalagi ako sa piling mo
mananatili ang pasasalamat sayo
dito saking puso

Home