Marami Pong Salamat Nanay

Nang ako'y isinilang mo
Dito sa mundong ibabaw
Ibinigay ang buhay ko
Na iningatan niyo

Mula noon ako'y bata pa
Madalas ikaw ang kasama
Itinuro niyo tamang buhay ko
Para sa kinabukasan

At ngayo'y ako'y may isip na
Andyan pa rin kayo
Handang tumulong sa mga
Problemang hinaharap ko.

Marami pong salamat Nanay
Dakila ka kanino man
Alay ko sa'yo ang aking buhay
At ito'y hindi malilimutan

Marami pong salamat Nanay
Minamahal kitang tunay
Hinding hindi malilimutan
Mga pangaral mo…
Mga pangaral mo, Inay

Marami pong salamat Nanay
Dakila ka kanino man
Alay ko sa'yo ang aking buhay
At ito'y hindi malilimutan

Marami pong salamat Nanay
Minamahal kitang tunay
Hinding hindi malilimutan
Mga pangaral mo…
Pagmamahal mo, Inay

Home