Salamat Panginoon

Ikaw ay mabuti bawat sandali
Sa habang buhay ay mananatili
Hindi mapapawi o maikukubli
Maging sa dilim ng gabi

Sandigang matibay ang Iyong pangako
Lakas at pag-asa ng aking puso
Hindi na mabilang pagkakataong
Patunay ng katapatan Mo

Sa dalamhati at sa kabiguan
Sa pagluha ng pusong nasugatan
Sa pagsubok ng Iyong pinahihintulutan
Salamat Panginoon

Sa katugunan ng aking dalangin
Sa kalakasang Sa'yo nanggagaling
Sa pagtuturo at pagtutuwid Mo sa'kin
Salamat Panginoon, salamat.

Ikaw ay mabuti,
Ikaw ay tapat
Sa'yo ang papuri
At pasasalamat

Home





Next song