Salamat Sa'Yo Ama

Ama alam ko napakabuti mo,
Ikaw ang siyang nagiingat sa akin
Sa mga kasamaan nilalayo sa tuwina
Kaya naman akoy nagpupugay

Sa mga aral mo nagbibigay pag-asa
Upang ako sayoy makapanatili
At makamtan ang buhay
Na walang hanggang ligaya
Doon sa bagong langit na kayganda

Salamat sa iyo aking ama,
Sa pagkupkop mo
Kahit akoy dukha tinawag
Mo't pinisan sa Iyo
Ang tanging maihahandog
Ama nitong aking puso
Buhay lakas iaalay sayo

Sa mga kalungkutan
Ikaw ang siyang takbuhan
At saking panghihina
Ikaw ang karamay
Nagbibigay lakas sakin ng pagtitiwala
Ikaw lamang ang tanging sandigan

Mga lungkot at hirap ay nawawala,
Nang dahil sa iyo ama,
akoy natutong umawit
Kaya dinggin mo ang hibik
Nitong aking puso.

Home





Next song