SONGS

Sa pagiging Kristiano natin
Kay-daming nabuong awitin
Pagkat nararanasan natin
Mga samo't saring damdamin
Sa tindi ng pagsaubok ay nalulumbay
Sa tuwing may pag-uusig
Ay nananamlay
Sa oras ng pagpapala'y
Abut-abot naman ang tuwa

Kaya't mabuti pa rin
Pagkat si Kristo'y laging nasa atin
Umulan man at umaraw sa'tin
Bagyo ma'y dumating
Sa biyaya ng dios ang lahat
Ay mabuti pa rin

Mga eksenang makukulay
Hawig sa pinilakang tabing
Mayroong drama at komedya
Sarsuwela, aksyon at trahedya
Kahit nahihirapan ay sumasamba
Nagbibigay papuri at kumakanta
Palibhasa'y batid na hindi Siya
Nagkukulang sa'tin

Napakaligaya at kahanga-hanga
sa ating pagmamasid:
Ang nagkakaisa't laging sama-sama
na magkakapatid;
Kahit may problema at wala kang pera,
Di ba't laging masaya?
Ganyan nga ang buhay kung
na kay Hesus,
Laging may galak sa t'wina.

Napakaligaya at kahanga-hanga
kung tayo'y nagbabatian,
Di nag-iinggitan at walang tampuhan
kundi nagmamahalan.
Kay sarap magpuri, kay sarap umawit
sa Diyos nating Ama,
Tinipon Niya tayo nang magkalapit,
upang magkasama-sama.

Kay sarap-sarap pa rin sa'Yo
O, Panginoon.
Ang mga pagpapala Mo'y lubos-lubos;
Minsan ang ating kaaway
Pilit na tinatangay ang damdamin,
At sa aking pagpupuri
Ako'y lubos na nagtagumpay.
Ang kailangan lang ay…

Babad sa presensiya Mo,
Babad sa Iyong salita,
Babad ang sikreto ko
Kung bakit ako masaya.
(Ang kailangan lang ay)
Babad sa presensiya Mo,
Babad sa Iyong salita,
Tulad ng isang usa
na laging uhaw sa'Yo.

Home