Pagbabahagi
Di ko na ngayon
pinanghihinayangan
Ang nagdaang
madilim kong kahapon
Ganap ko nang
nauunawaan
Kung bakit ako ay
nagkaganoon
Pagkat nilimot ko
Ang Panginoon
Pinagpalit sa
matayog na ambisyon
Nagtiwala sa
sariling kakayahan
Hanggang sa malublob
sa kasamaan
At akin ngang hinarap
ang bunga ng lahat
Pambansang piitan
ang kinahantungan
Hirap ng katawan,
hirap ng isipan
Araw man o gabi,
walang katahimikan
Ngunit ang Diyos ay
'Di natulog kailanman
Pagbabalik loob ko'y hinihintay
At bukas ang palad
Niyang ibinigay
Bugtong na Anak
na sa aki'y umakay
Salita Niya ang
aking naging gabay
Umagos sa takbo
ng aking buhay
Tinanim sa puso at
pinamuhay
At ang kapayapaan
Niya'y tinaglay
At aking ngang natamo
ang bagong buhay ko
Na akin naman ngayong
binabahagi sa inyo
Buhay mapayapa,
may sapat na biyaya
Sa masasamang gawa
ako ay lumaya
[CHORUS]
At sa buhay ko'y
may bagong musika
Ibahagi Siya
Ang aking adhika
[CHORUS]
Sa awit ko'y iaangat ko Siya
Di mahihiya o mangangamba
Home