Ikaw Ang hiling

Sa di inaasahang pagkakataon
Dumating ka sa buhay ko
Di ko akalaing magkakasundo tayo
Sa Ama ipinagpanata kita
Sinambit ang pangalan mo sa kaniya
At sinabi kong mahal kita
Wala ng alinlangan pa.

Ikaw ang hiling sa ating Ama
Ikaw lang ang iibigin tuwina
Handang magtiis at maghintay
At sa tamang panahon basbas sa ati'y ibigay
Umaasang diringgin, Ikaw at ako'y pagbubuklurin
Tayong dalawa sa harap ng Ama magiging isa.

At kung lilipas man maraming taon
Matiyagang maghihintay,
Abutin man nang kay tagal
Sa puso'y di mawawalay
Ikaw lang ang hiniling sa Ama
Mahal kita mula pa noong simula
Sa panalangin ko'y tugon kaniya
Wala ng alinlangan pa.

Pag ibig ko sayo ay tapat
Laging laman ka ng aking panata
Panatag ang aking puso na muling makikita
At sa habang buhay ay tayong dalawa.

Home