Landas Kong Tinahak
Sa landas kong tinahak
Ako'y Iyong sinalubong
Agad ako'y Iyong napagtanong
Saan ka pupunta?...
Ewan ko ang sagot ko,
Wala akong katiyakan
Maaari po bang Iyong tulungan,
Ituro ang wastong daan.
Ang sabi mo'y sabay tayo,
Ako ang bahala sa iyo.
Pagka't alam ko ang kahahantungan,
Ako'y nagmula pa sa walang hanggan.
Ikaw pala, aking Panginoon,
Di agad kita napansin...
Ngayon wala na akong pangangamba,
Pagka't Ika'y laging kasama.
Sa lahat ng panahon, sa bawat sandali...,
Ikaw ang tunay kong gabay,
Sa landas ng aking buhay.
Ang sabi mo'y "Halika na",
Ang landas mo'y ituwid na.
Mayro'ng nakalaan sa iyong gantimpala,
Sa kaharian ng Diyos Ama.
Ang sabi ko'y "Salamat po!",
Ako'y tinubos ng 'yong dugo.
Kasalanan ko ay pinatawad Mo,
Dakila ang Pag ibig Mo.
Ako pala, aking Panginoon.
Ay minahal mo ng lubos.
Ngayon wala na akong pangangamba,
Pagka't Ika'y laging kasama.
Sa lahat ng panahon, sa bawat sandali...,
Ikaw ang tunay kong gabay,
Sa landas ng aking buhay.
Home