Habang naghihintay Ikay' madakila
Sa Iyong wangis, kami ay itinulad
Sa Iyong puso'y inibig nang wagas
Hindi nabali ang pangako, noon hanggang wakas
Ang salita mo ay nagliligtas sa taliwas
At pinili Mo, itinangi Mo
Dun sa Kalbaryo, ay tinubos ang tulad ko
Sa'yo Panginoon, ang buhay ay ihahandog
Sa bawat lakas na 'yong bigay, patuloy na maglilingkod
Araw-araw ay pupurihin Ka, Sayong pangalan
Aming Ama, Hesus, Manlilikha
Habang naghihintay Ikay' madakila
Hindi nagbago, ang puso Mo'y dalisay
Sa Iyong hiwaga, patuloy na namamangha
Ang kalooban Mo Kristo, ang matupad sa tulad ko
Magpapatuloy sa lakad, kasama mo
O Diyos sa buhay ko hindi Ka naglaho
May kagalakan, ihahayag sa mundo
Wala na ngang mas hihigit pa na gantimpala
Kundi ang makasama ka Ama, sa darating na pag-agaw
Ikaw na nga Hesus ang pinakahihintay
Ibabalik ako sa piling Mo
Home