Nasaan Na Kaya Ako

Ang buhay ko noo'y walang direksyon
Hindi alam kung saan patungo
Barkada at bisyo ang inaatupag ko
Kaya pangarap ay napapabayaan ko

Takbo ng isip ko'y gulong gulo
Hindi alam kung paano
Ang mamuhay ng tahimik sa ibabaw ng mundo
Kaya kung minsan napahamak ako

Salamat at inibig Mo ang isang katulad ko
Sa masamang gawa hinango Mo ako
Binigyan Mo ng pag-asa, buhay na dati'y walang saysay
Kung wala Ka ay nasaan na kaya ako

Wala nang hihigit sa isang tulad Mo
Ang pag-ibig Mo kailanma'y di maglalaho
Kahit ako'y makasalanan
Di Mo ako pinabayaan
Inakay Mo ako patungo Sa'yo

Di ko malimutan, noong ako'y napalaban
Humihiling ng kaligtasan, ako'y iyong tinulungan
O Hesus kay buti Mo sa akin

Home