SALAMAT SALAMAT

Kung aking mamasdan ang kalawakan
Hindi ko maunawaan
Ang Iyong dahilan kung bakit ako'y
Pinili Mo't inaalagaan
Di ko kayang isipin
Hinding hindi ko kayang sukatin
Ang pag-ibig mo Hesus
Na'yong binigay sakin

Salamat, salamat
O Hesus sa pag-ibig Mo
Walang ibang nagmahal sakin ng katulad Mo
Salamat, salamat
O Hesus sa pag-ibig Mo
Ako'y magsasaya sa piling Mo

Kung may pagsubok man o kagipitan
Ako ay may lalapitan
Ikaw Hesus ang aking sandigan
Hindi Mo ko pababayaan
Di ko kayang isipin
Hinding hindi ko kayang sukatin
Ang pag-ibig mo Hesus
Na'yong binigay sakin

Buhay ko ng purihin Ka
Buhay ko ng Sayo‎'y sumamba
Wala ng ibang nanaisin pa
Kundi pasalamatan Ka

Home





Next song