Bagong Damit

Dito pa lang sa mundong ito ay kailangan na ang pagbabago
Kung ninanais mong marating ang langit ay magbihis ka na ng bagong damit
Damit na mayroong kabanalan at di kailanman dapat na dungisan
Ng salot at putik ng sanlibutan na tinatawag na kasalanan

Tanging duon sa ninanais mong pupuntahang paraiso
Di tulad ito kung ihahambing mo sa tinitirahan nating mundo
Malinis duon ang kapaligiran, magkakapatid duon ang turingan
At duon mananahan ang kapayapaan at ang buhay na walang hangganan

Kaya dito pa lang sa mundong ito ayusin mo na ang buhay mo
Itakwil na ang mga dating bisyo, alak, sugal at sigarilyo oh oh
Isuko mo na ang sarili mo sa Kaniya na nagbigay ng buhay mo
Kung ninanais mong marating ang langit ay magbihis ka ng bagong damit

Haah ah ah...
Bagong Damit (3x)

Home