Konting Tiis na lang
Nanlalamig inip ka ba sa paghihintay
Sa pangakong pag-agaw ni Hesus na
Napapagal
Pag subok ba ang dahilan kung ba’t
ika’y nanlupaypay
Kaya ikaw ay nawalay sa ating Diyos
na Siyang buhay
Tunay na ang panahon ‘yong
Pagmamasdan
Diba’t kay lapit na ng mga kaganapan
Ang salita ng Diyos sa’tin patuloy na
nanawagan
Maglingkod ka ng lubusan
‘Pagkat ang araw ay malapit na
Konting tiis nalang Siya’y darating na,
Ang pangakong pag-agaw ni
Hesus napipinto na
Konting tiis nalang tayo ay
kukunin Niya
Ang ating kalungkutan papalitan Niya ng galak
Kapatid kung nakakaranas ka ng kahirapan
Ganting pangako ni Hesus ay hindi
matutumbasan
Yamang inimpok mo dito ay may kasiraan
Ngunit yamang galing sa Diyos ay
tunay na walang hanggan
Konting tiis nalang konting-konti nalang
Ang lahat mong pagdurusa ito’y kanyang papawiin na
Konting tiis nalang kapatid dagdagan pa
Karanasan mo sa lupa sa langit di na daranasin pa
Pagtitiis na inimpok mo kapalit ay gantimpala
Home