Isang Dakot Ng Kanyang Himala

La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la

Sa iba't ibang panahon, kami ay hinipo
Ng Dakilang Kamay, na sa Krus ay napako
At sa Kanya rin namang tinakdang panahon
Kami ay tinipon, naging isang lupon

At narito ngayon, sa inyong harapan
Ang isang dakot ng Kanyang himala
Kami na dati'y talagang masama
Binago Niya't pinagpala

Kami'y isang dakot ng Kanyang himala
Mga makasalanang, pinuspos Niya ng awa
Ngunit, hindi upang sarilinin ang biyaya
Kung 'di, upang aming ihayag sa madla

Maraming nabigo, na kami ay baguhin
Magulang, kapatid, babaeng tinatangi
Maging ang simbahan o ang bilangguan
Nabigong kami'y gisingin sa katotohanan

Subalit, no'ng kami nga ay hipuin
Kamay ni Hesus, na naghirap para sa 'tin
Ang pagbabagong totoo ay dumating
Sa bawat buhay ng isa sa 'min

Kami'y isang dakot ng Kaniyang himala
Ihahayag ng aming awit ang Kaniyang ginawa
Kami'y isang dakot ng Kaniyang himala
Ihahayag ng aming awit ang Kaniyang ginawa
Kami'y isang dakot ng Kaniyang himala...

Home