Magtitiwala

Sa piling mo o Diyos
Pangamba ko'y naglalaho
Ako ay kakapit sa iyo

Sa yakap mo o Diyos
Payapang puso ang nais ko
Tanging magmumula sa iyo

Magtitiwala sa'yo o Panginoon
Ikaw ang sandigan sa habang panahon
Magtitiwala sa'yo o Panginoon
Ikaw ang kailangan sa habang panahon
Pangako mo'y di nagbabago
Ang puso ko'y nananalig sa'yo

Ang ngalan mo tanging Kanlungan ko
Pag ibig mo tanging kublihan ko
Ang ngalan mo tanging kanlungan ko
Pag ibig mo

Home